zte broadband deal 2

Tang ina talaga yang zte na yan! Nakikita na mga lapses na ginagawa ng mga tinatawag na otoridad sa gobyerno, mga pulis saka yung mga nasa immigration. Dapat palage meron maimbitahan sa senado para makita yung mga pagkukulang ng mga nasa katungkulan. Simpleng tanong lang di masagot samantalang mga nag-aral at may matataas na posisyon. Yung tanong kay Atutubo napakasimple lang; kung alam nya yung batas sa airport na once may dumating sa bansa o palabas ng bansa eh dapat ipakita yung passport sa immigration. Naturingan pa siyang chief security dun sa MIA e bang engot nya bobo siya! May sarili siyang batas sa kokote na pinapatupad. Simple lang naman tanong sa kanya kung alam ba niya yung regulasyon na pinapatupad sa lahat binabato pa nya sa immigration samantalang ang dapat na sagot nya dun e oo dapat iprisinta yung passport dahil yun ang pinapatupad.  Tapos tinanong din siya kung bakit may exclusive na lugar na dinaanan si Lozada samantalang hindi yun open less employee ka sa MIA or disabled ka! HAy naKO walang muwang si gago o baka naman nagtatanga-tangahan lang kasi may pinoprotektahan! Dun naman kay Razon isa pang bobo! hypothetical na nga yung question eh di pa nya masagot naturingan 4 star general na pulis walang stand sa isang bagay aso ni Gloria talaga. Sabi niya kasi nung tanungin siya na kung di siya papayag na maipasa yung zte dahil sa yung allocated na pondo ng PNP e masasagasaan dahil dun ang sagot ba naman e di nga natuloy! Ilang beses pa siya tinanong paulit-ulit sagot nya na di natuloy bobo talaga! Kung alam niya na masasagasaan yung pondo ng pulis syempre sagot mo hindi! . .  gagO! Tapos tinanong din si MascariƱas tungkol dun sa paghahatid kay Lozada sa Pasig biruin mo ba naman dalhin pa sa Cavite e diretso MIA pwede na mag u-turn sa may Bicutan pumunta pa ng SLEX wow tax po na binabayaran namin ang ginagamit nyong mga pulis sa gasolina ng sasakyan nyo! Tang-ina nyo gago simpleng ruta di nyo alam! Tapos gusto ko pa malaman kung ano ginagawa nung Robert na pulis din na sa Aviation din daw ng police idenedeny naman ng bobong si Razon. Wala kami katiwa-tiwala sa inyo mga gago buti ginagawa sa senado nakikita kabulukan nyo sama mo na yang si Neri saka si Mike Arroyo mga corrupt kayo! At least nakikita natin yung may utak sa gobyerno gaya nina Sen.Biazon, Lacson, Villar, Legarda, Cayetano na may kwenta mga sinasabi at tinatanong  pwera lang si Bong Revilla na kitang-kitang bobo at walang muwang sa nangyayare mag-artista ka na lang gago!

Leave a Reply