zte broadband deal
hehehe trip ko lang mag-post ngayon…It has something to do sa zte broadband deal na napanood ko kanina.Ngayon ko lang naunawaan kung ano ba talaga real score dun at kung sino-sino ang involve at yung laki ng pera na pinag-uusapan na kahit siguro pagtrabahuhan ko ng buong buhay ko e di ko kikitain.In good faith na lang kaya ako nag-post kasi kawawa naman talaga tayong mga pinoy na niloloko ng mga nasa gobyerno.Ganun pala sila kung kumumisyon 130 million di pa makuntento samantalang 132 million ang proposed budget ayaw pa ng almost 50% na kickback ganung wala naman pupuhunanin mga buhaya talaga.Ewan naipasa pa rin ata yun pero hindi lang ata 130 million tila 200 million pa ang pinatong na kumisyon"dollars po yun".Kawawa naman talaga tayo kasi tayo ang magbabayad nun kasi inutang yun tapos sa taxes na binabayad natin kukunin ang perang ihuhulog sa inutang na pera.Buti pa sila sa mga hotel nagmemeeting kasi tingin ko kung dun ka lang aasa sa kinikita mo bilang empleyado ng pamahalaan kahit na presidente ka pa eh di manghihinayang ka pa rin sa perang ibabayad mo sa mga exclusive hotels na nag-ooffer ng service sa mataas na halaga.Kaya pala nakakapag-aral sila sa iba-ibang bansa pati mga pamilya nila kasi sa perang ninanakaw nila sa kaban ng yaman.Tapos nakakapag-tour pa sila around the world wow naman ang swerte nila.Napansin ko kay Jun Lozada he’s speaking the truth kasi para banggain mo ang malalaking pangalan sa gobyerno tapos hindi totoo mga sasabihin mo di ba?Although nandun pa rin sa sarili niya yung pagprotekta nya sa sarili nya sa anomaly tingin ko nakuha nya lang yung mentality na sa sobrang lalaki ng perang pinag-uusapan nina Abalos at Fg Arroyo compare dun sa mga nakumisyon nung nagtatrabaho pa siya sa Forestry something eh tingin nya hindi kasalanan yung nakickback nya dun na maliit na halaga lang.Bahala sila sa sarili nila magpakayaman sila sana lang hindi nila pagsisihan ang mga ginagawa nila kasi hindi lang kami ang niloloko nyo pati sarili nyo at ang Diyos.Pwede naman mabuhay ng simple eh yung walang inaagrabyado at walang dinadaya.Bakit ba kami nakakaraos sa 300 pesos na ginagastos sa isang araw.Yung iba nga kape lang ang inaalmusal at hindi na naghahapunan samantalang kayo hotel hotel pa.Wag sana nila hintayin ang time na sa korte ng Diyos sila haharap kasi dun talagang mapapahiya sila at hindi nila matatakasan ang parusa di gaya sa mundong ito.
March 6th, 2008 at 4:52 am
grabe ha,,hindi tama ang ginagawa nio..masama ito ay isang kasalanan..im so proud to jun lozada hes a brave man…